Muling tatangkain ng US space agency na National Aeronautics and Space Administration (NASA) sa ikalawang pagkakataon na mai-launch ang giant new era Moon rocket o tinawag na Artemis I mission sa araw ng Sabado, Setyembre 3.
Ito ay matapos na makansela ang test flight noong Lunes, August 29 dahil aberya sa isa sa apat na RS-25 engines ng rocket.
Ayon sa NASA, mag-uumpisa ang 2-hour launch window sa Sabado sa oras na 2:17 pm (1817 GMT).
Inihayag ni Launch weather officer Mark Burger na 60% na magkaroon ng ulan at thunderstorm sa araw ng rocket launch subalit good opportunity weather-wise na gawin ang launching ng rocket sa araw ng Sabado.
Ang highly anticipated uncrewed Artemis 1 mission ay ang unang hakbang para muling makabalik ang mga astronauts sa buwan limang dekada ang nakakalipas mula ng kauna-unahang nakatapak ang tao sa lunar surface noong July 20, 1969.
Kapag ito ay naging matyagumpay, ang susunod na misyon ay ang Artemis 2 kung saan dadalhin ang mga astronauts sa orbit sa palibot ng buwan nang hindi naglalanding sa surface nito.
Inaasahan na ang mga crew ng Artemis 3 ang siyang ipapadala sa buwan na inaasahan sa taong 2025.