-- Advertisements --
DOH office

Nasa ikalawang araw na ngayon na mababa pa sa 2,000 ang naitatalang daily cases sa COVID-19 sa Pilipinas.

ito ay makaraang makapag-record ang Department of Health (DOH) ng 1,709 na mga bagong nahawa sa COVID-19.

Dahil dito ang mga active cases sa Pilipinas ay bahagyang bumababa sa 24,139.

Nanatili pa rin ang National Capital Region (NCR) sa mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga coronavirus cases na may 9,235, sinusundan ng Calabarzon na may 3,746, ang Central Luzon na may 2,276, Davao Region na may 1,306, at ang Western Visayas ay may record 1,807.

Ang death toll ngayon sa bansa ay bunsod ng deadly virus ay umakyat sa 62,416 matapos ang bagong naitalang nasawi na nasa 34 pa.

Samantala ang bed occupancy naman sa mga ospital sa buong bansa ay nasa 7,694 na okupado ng mga pasyente.