Aabot na ng hanggang 95 percent ng communication lines sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette noon Disyembre 2021 ang naibalik na, ayon sa Department of Communications Technology (DICT).
Ayon kay DICT Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic, nakatulong sa restoration ng komunikasyon sa mga lugar na ito ang availability ng generator sets, pero sa kabila nito au nananatili pa ring problema ang power supply sa ngayon.
Kabilang sa mga lugar na naibalik na ang mobile signals ay ang Siargao, Dinagat Islands, Bohol at Cebu.
Magugunita na ang reported death toll noong manalasa ang Bagyong Odette ay pumalo sa 409 habang 65 naman ang napaulat na nawawala, ayon sa NDRRMC.
Kabiiang 8,709,417 katao o 2,453,075 pamilya ang apektado nang hagupit ng bagyo sa 9,068 na mga barangay sa bansa.