CAGAYAN DE ORO CITY – Magiging katuwang na ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasa 275 na mga Lumad, Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) members at maging mga dating miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa pagsugpo sa terorismo sa bansa.

Itoy matapos silang sumailalim sa ilang buwang pagsasanay sa 4th Division Training School (DTS) sa Malaybalay City Bukidnon.

Sinabi ni 4th DTS Commander Lt. Col. Jeff Villarosa na kabilang sa kanilang ibinigay na training sa mga bagong Philippine Army Privates ay ang Jungle Warfare Mountain Operation Course.

Aniya, dahil rito handang-handa na ang mga ito na pagsilbihan at protektahan ang bayan.

Kuwento pa umano ng isa sa mga miyembro ng NPA na si alyas Mike, 23-anyos, matagal na nitong pinangarap na maging sundalo upang maprotektahan ang kanyang pamilya at mga katribu laban sa propaganda ng makakaliwang grupo.