-- Advertisements --

Aabot sa 22 katao na ang nasawi dahil sa winter storm na nararanasan sa ilang silangang bahagi ng US.

Mahigit 200,000 na mga Americans na rin ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa ilang araw na winter megastorm.

Karamihan sa mga nasawi ay nakita sa loob ng kanilang sasakyan na maaaring hindi na nakalabas.

Inatasan na rin ni New York Governor Kathy Hochul ang National Guard na magsagawa ng malawakang rescue.

Nagbabala na rin ang National Weather Service na makakaranas ng makapal na pag-ulan ng yelo na aabot ng hanggang tatlong talampakan.

Inaasahan na magtatagal ng ilang araw ang nasabing pag-ulan ng makapal na yelo.