-- Advertisements --

Umabot na sa 100,000 pamilya ang apektado ng aktibidad ng Taal Volcano ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)/

Base sa situational report ng NDDRMC kaninang alas-6:00 ng umaga, nasa 376,327 katao o 98,187 pamilya ang apektado magmula nang una itong magkaroon ng phreatic eruption noong Enero 12, 2019.

Nasa 135,365 katao o 37,203 pamilya naman ang nananatili pa rin sa 497 evacuation centers, habang 168569 katao o 43,824 pamilya ang nanunuluyan pansamantala sa bahay ng kanikanilang mga kaanak.

Papalo naman sa P3,215,788,882 ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Batangas, Cavite at Lagna.

Mahigit P58 million halaga na rin ng tulong ang naibigay sa mga biktima nang pagputok ng Taal Volcano.

Aabot sa 264 lungsod at munisipalidad sa CALABARZON, Central Luzon, MIMAROPA, at National Capital Region ang nagdeklara ng class suspension.

Hanggang noong Enero 23, balik naman na ang pasok sa 228 lungsod at mga munisipalidad.

Nitong umaga lamang, ibinaba na ng Phivolcs ang alert level status ng Taal Volcano sa level 3.