Pumayag na ang isa sa mga maaasahang swingman ng Minnesota Timberwolves sa $42Million offer ng ng nasabing koponan.
Kasama ng $42Million deal sa kanya ay ang ‘player option’. Ibig sabihin, nasa kanya ang desisyon kung gugustuhin pa niyang magpatuloy na maglaro sa Minnesota makalipas ang isang taon.
Si Reid ay naglalaro bilang backup forward-center ng Wolves.
Sa nakalipas na season ay tumipa ito ng average na 11.5ppg, at 4.9rpg, sa ilalim ng 53.7 shooting percentage. Ang nasabing average ay nagsisilbi rin bilang career highs.
Siya ang nagsilbing kapalit ng starting center/forward ng Wolves na si Karl-Anthony Towns, matapos siyang pagbawalang maglaro sa loob ng 52 games sa nakalipas na season, dahil sa injury sa paa.
Noong 2019 draft, hindi ito kinuha ng alinmang koponan sa NBA ngunit kinalaunan ay kinuha siya ng Wolves sa pamamagitan ng two-way contract.
Mula noong ay naging bahagi na si Reid ng Minnesota player rotation.