Sumailalim rin sa balasaha at reshuffle ang tanggapan ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa ilalim ng liderato ni NAPOLCOM Vice Chairperson at Executive Officer Atty. Rafael Calinisan para sa mas epektibong pagtatrbaho ng kanilang tanggapan.
Ayon kay Calinisan, nag-isyu siya ng Special Order 2025-140 nitong Lunes, Hunyo 16 na siyang naguutos ng balasahan sa mga opisyal sa central at maging sa regional offices ng kanilang tanggapan na magiging epektibo sa Hunyo 23.
Paliwanag ni Calinisan, sumasalamin sa kanilang patuloy na commitment sa magandang performance, good governance, at maging sa responsabaleng serbisyong publiko ang naging revamp sa loob ng komisyon.
Aniya, itinalaga lamang nila ang mga tamang tao sa tamang mga pwesto para sa ma maayos na serbisyo at kredebilidad na rin ng kanilang opisina.
Sakop ng mg reassignments sa Central Office ay ang mga posisyong Staff Service Chiefs (SSC) at Assistant Staff Service Chiefs (ASSC) habang magkakaroon rin ng balashan sa mga pwesto ng Regional Directors at Assistant Regional Directors sa lahat ng tanggapan ng ahensya sa 18 mga rehiyon.
Samantala, tiniyak naman ni Calinisan na ang kaniyang naging desisyon na magkaroon ng malawakang balasahan ay bahagi pa rin ng commitment ng kanilang tanggapan sa isang maayos at may integridad na tanggapan.
Ang naturang procedure ay para rin mapalakas pa ang kanilang kapasidad na magampanan ang kanilang mandato.