Pumalo na sa 21,858 inmates o persons deprived of liberty (PDLs) ang napalaya para ma-decongest ang mga jail facilities sa bansa sa kasagsagan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ang mahigit 21,000 PDLs ay napalaya noong Marso 17 hanggang July 13.
Ang naturang mga inmates ay mula sa 470 jail facilities na nasa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa naturang bilang, 5,102 ay napalaya sa pamamagitan ng paghahain ng piyansa, plea-bargaining, parole o probation.
Ang 6,756 naman ay non-paralegal releases sa pamamagitan ng acquittal o napagsilbihan na ang kanilang mga sintensiya.
Samantala, sa mga napalayang PDLs, 409 dito ay elderly, 621 ang may sakit at 24 ay buntis.