Nakatakdang depensahan ni Japanese pound-for-pound superstar Naoya Inoue ang kaniyang super bantamweight title laban kay Luis Nery ng Mexico.
Gaganapin ang laban ng dalawa sa darating na Mayo 6 sa Tokyo Dome sa Japan.
Si Inoue ay mayroong record na 26 na panalo at wala pang talo na may 23 knockouts na naging two-division undisputed champion ng makulekta ang lahat ng belts sa 122-pounds division ng talunin si Marlon Tapales sa pamamagitan ng knockouts noong Disyembre.
Sa laban niya kay Nery ay nakataya dito ang kaniyang WBC, WBA, WBO at IBF world super bantamweight titles.
Kabilang na magiging undercard sa laban nila ay ang nakakabatang kapatid nitong si Takuma na kagagaling lamang sa panalo laban kay Jerwin Ancajas noong nakaraang buwan.
Makakalaban ni Takuma ang kapwa Japanese boxer na si Sho Ishida.
Ilan sa mga undercard ay ang laban ni Jason Moloney na idedepensa ang kaniyang WBO world bantamweight title laban kay Yoshiki Takei habang si WBA world flyweight champion Seigo Akui ay makakaharap si Taku Kuwahara.