Patay ang isang ina kasama ang dalawang anak na mga menor-de-edad dahil sa pagkalunod, matapos mahulog sa tulay.

Sa ulat na ipinadala ni PNP ARMM Spokesperson PSInsp. Jemar Delos Santos, naganap ang insidente nuong Biyernes ng hapon sa may Sitio Kiladek, Barangay Bantek, Upi,Maguindanao.

Batay sa inisyal na imbestigasyon na tumatawid sa isang tulay na gawa sa kawayan ang mag-ina ng madulas at mahulog sa ilog na inanod ng napakalas ng agos ng tubig.

Kinilala ang mga biktima na sina Linda Modunggel, 39-anyos at ang dalawang anak nito na sina Melanie Modunggel, 11-anyos; at Ritchel Modunggel, 1taong gulang.

Dahil sa insidente kaagad naman nagsagawa ng search and rescue operations ang mga lokal na opisyal sa lugar.

Narekober naman ang cadaver ng tatlo.

Ang dalawang cadaver na rekober sa Sitio Kilawlaw, Brgy Bantek habang ang cadaver ng isang taong gulang na bata ay nakita sa ilog sa bayan ng Datu Blah.