CENTRAL MINDANAO- May mga person of interest na ang mga otoridad sa mga suspek na nanambang patay sa dalawa ka tao sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na sina Benjie Lumacod at Nasrudin Guialodin,mga residente ng Kabacan Cotabato.

Matatandaan na habang sakay ang mga biktima ng motorsiklo sa Sitio Manampan Barangay Batulawan Pikit North Cotabato ay bigla itong pinagbabaril ng mga hindi kilalang mga armadong kalalakihan gamit ang M14 at M16 Armalite rifles.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek nang matunugan nito ang paparating na mga pulis at sundalo.

Naisugod pa sa Cruzado Medical Hospital ang mga biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay pagkatapos magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

-- Advertisement --

Marami ang naniniwala na posibling may ilegal na transaksyon ang mga nasawi sa pamamaril dahil hindi naman sila residente sa naturang lugar.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa pamumuno ni Major Mautin Pangandigan sa pananambang patay sa mga biktima.