-- Advertisements --

Pumanaw na si Namibian President Hage Geingob sa edad na 82.

Inanunsiyo ni Vice-President Nangolo Mbumba ang nasabing pagpanaw ng pangulo nito habang nagpapagamot sa ospital sa Windhoek.

Noong nakaraang buwan ay inanunsiyo ni Geingob na mayroon itong cancer.

Papalitan siya Mbumba hanggang sa pagsisimula ng halalan na gaganapin ngayong taon.

Nanumpang pangulo si Geingob mula noong 2015 pero tumakbo sa iba’t-ibang posisyon noon pang 1990.