CENTRAL MINDANAO- Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa isang traysikad driver sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Basser Alon Saidona,32 anyos,may asawa at residente ng Purok Kapayapaan Brgy Poblacion Kabacan Cotabato.

-- Advertisement --

Ayon sa ulat ng pulisya na nakatayo lamang ang biktima sa Diego Silang Street Barangay Osias Kabacan North Cotabato malapit sa kanyang traysikad at naghihintay ng pasahero ng biglang lapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo patungong town proper sa bayan ng Kabacan.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib.

Sa ngayon ay may mga person of interest nang iniimbestigahan ang mga otoridad sa pamamaril patay sa biktima.