Pinag-aaralan na rin ng mga otoridad ang nakuha nila ng voyage data recorder ng barko para malaman kung ano ang sanhi nito sa pagbangga ng tulay.
Nilinaw naman ni US Coast Guard Vice Admiral Peter Gautier , na hindi banta sa karagatan ang ilang daang containers na naglalaman ng hazardous materials.
Nanantili kasi ang mahigit 4,700 cargo containers sa barko na tumama sa Francis Scott Key Bridge.
Ang nasabing mga containers na may laman na hazardous materials ay nasa malayong lugar na tinamaan ng tulay.
Giit naman nito na ang dalawang nawawalang containers ay hindi naglalaman ng mga hazardous materials.
Hindi pa rin aniya sila tumitigil sa paghahanap ng sa anim na katao na unang naiulat na nawawala kung saan naniniwala ng mga otoirdad na patay na ang mga ito.