-- Advertisements --
Umakyat na sa 14,083 liters ng oily water mixture at 155 na sako ng oil-contaminated materials ang nakolekta ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang offshore response operations.
Ayon sa ahensya, tuloy-tuloy ang trabaho ng kanilang mga tauhan kahit umulan o umaraw man.
Maging sa panahon ng holidays ay isasagawa pa rin umano nila ang clearing operation, para hindi na kumalat ang langis.
Maliban sa mga nakalap nilang oil-contaminated materials, ibinubukod rin ang drum-drum na langis na nasasagap ng kanilang mga nakalatag na boom.
Hindi pa naman masabi ng PCG kung hanggang ilang linggo pa ang gagawing paglilinis.
Ang mahalaga umano ay may mga katuwang silang kaalyadong bansa, na nagpapagaan sa mabigat na trabaho ng kanilang mga tauhan.