-- Advertisements --
Pumanaw na ang nakakatandang kapatid na babae ni dating US President Donald Trump na si Maryanne Trump Barry sa edad na 86.
Natagpuan lamang ang kaniyang bangkay sa apartment nito sa New York at hindi pa inilabas ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan nito.
Nagsilbi si Mrs. Barry bilang federal judge sa New Jersey mula 1983 hanggang ito ay magretiro noong 2019.
Siya ang pangatlo sa apat na kapatid ni Trump na pumanaw na.
Si Mrs. Barry ay nagsilbi bilang isa sa tanging dalawang babaeng prosecutors sa US Attorney’s Office sa New Jersey mula 1974 hanggang 1983.