Muling naghain ng mosyon sa Kataas-taasang Hukuman si Veronica ‘Kitty’ Duterte, anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga nakabinbin petisyon may kinalaman sa sitwasyon ng kanyang ama.
Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Salvador ‘Paolo’ Panelo Jr, inihain ni Kitty Duterte partikular ang ‘Second Motion to Resolve’ para at sa ngalan ng dating presidente.
Layon sa naturang petisyon na himukin ang Korte Suprema na aksyunan ang ‘consolidated habeas corpus petitions’ ng kanilang kampo kaugnay sa naganap na pag-aresto at pagdala kay former Pres. Duterte tungo The Hague, Netherlands.
Binigyang diin sa mosyon ni Kitty na labing apat (14) na buwan ang lumipas na ngunit magpasahanggang ngayon ay walang ‘substantive’ o matibay na aksyon inilabas ang hukuman.
Kung babalikan, naghain ang naturang anak ni Duterte ng ‘Writ of Habeas Corpus’ noon pang ika-12 ng Marso ng nakaraang taon 2025, labing-apat na buwan ang nakalipas.
Kalakip sa ikalawang mosyon ni Kitty Duterte ang kahilingan kadyat nang resolbahin ng hukuman ang mga nakabinbin petisyon, pagdedeklara sa pag-aresto, pag-detene, at pagsuko kay former Pres. Duterte sa International Criminal Court bilang ilegal at ‘unconstitutional’.
Hiling din niya na atasan ng Korte Suprema ang mga opisyal na respondents sa petisyon na agaran gumawa ng anuman hakbang maiuwi lamang ng Pilipinas ang dating Pangulo.
Ang abogadong si Atty. Salvador ‘Paolo’ Panelo Jr. naman ay sinabing ang pagkaantala ay nagdulot na para magkaroon ng ‘constitutional crisis’ na hindi dapat ipinagsasawalang-bahala.
















