-- Advertisements --

Umaasa ang may-ari ng megaship blocking Egypt Suez Canal na makabiyahe na ito ngayong araw.

Ito’y matapos umani ng matinding pressure ang kompaniya na ibahin na lang ang ruta ng mga serbisyo nito mula sa vital shipping lane sa paligid ng Africa.

Sinabi ni President Shoei Kisen, ang may-ari ng barko na wala silang nakikitang pinsala sa makina at iba pang mga instrumento nito.

Target ng kompaniya na makabiyahe na ang dambuhalang barko patungong Japan.

Patuloy ang ginawang pagsisikap ngayon ng kompaniya na matanggal ang “sediment” sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga dredging tools.