-- Advertisements --
NAIA

Pinalawak ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang global reach nito sa 58 destinations, kasama ang pagdaragdag ng dalawang bagong airline sa listahan ng mga carrier nito.

Inihayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) na ang dalawang airline ay nakatakdang mag-operate ng mga flight sa paliparan.

Sinabi ng MIAA officer-in-charge na si Bryan Co na ang kabuuang bilang ng mga airline na nagseserbisyo sa pangunahing gateway ng bansa ay umabot na sa 48 na bilang.

Anim dito ang domestic carrier at 42 naman na mga foreign operators.

Sa kabuuan, sinabi ni Co na maaaring maabot ng mga manlalakbay ang 57 destinations sa buong mundo sa pamamagitan ng mga flight na inaalok ng mga international airline.

Binanggit niya na ang pagpapalawak na ito ay mabuti para sa NAIA habang sinusubukan nitong panatilihin ang posisyon nito bilang isa sa mga pinaka konektadong gateway sa buong mundo.