Inaasahan ng Ninoy Aquino International Airport na lolobo ng 1.2 million na pasahero ang magsisiksikan sa naturang terminal kasabay ng papalapit na paggunita sa Araw ng mga Patay at Araw ng mga Santo.
Batay sa projection ng Manila International Airport Authority (MIAA), ang 1.2 million ay inaasahang magsisipag-uwian sa loob ng 10-day period na magsisimula sa Oktubre-27.
Ayon kay MIAA officer-in-charge Bryan Co, sa loob ng sampung araw na ito, ang arawng pasahero ay maaaring papalo ng hanggang sa 130,000. Ang naturnag bilang ay mas malayong mas mataas kumpara sa 94,000 daily passengers na naitala noong 2022.
Sa kabuuang ng 2022, naitala ang 945,156 na bilang ng mga pasahero sa kabuuan ng Undas.
Samantala, naitala naman ng MIAA ang hanggang sa 1.4million na bilang ng mga pasahero noong 2019. Ito ay sa pamamagitan ng 129,000 na arawang pasahero sa loob din ng sampung araw na monitoring.
Sa kasalukuyan, batay sa datus ng MIAA, umaabot na sa 1.15 million ang bilang ng mga pasahero na naitala sa NAIA sa kabuuan ng unang sampung araw ng Oktubre.
kasabay nito, patuloy na ring tinitiyak ng pamunuan ng naturang paliparan, ang paglalagay at pagpapatupad ng ibat ibang mga measure upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga pasahero, lalo na sa panahon na inaasahang magsisiksikan ang mga ito, dahil sa pag-uwi sa kani-kanilang lalawigan.