-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umakyat pa sa higit 100 ang nahawaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Iloilo Fish Port Complex matapos isailalim sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test ang mga naka-close contact ng isang lalaking namatay dahil sa COVID-19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na nagpapatuloy pa ang contact tracing habang hinihintay ang resulta ng confirmatory test ng ibang nakasalamuha ng COVID-19 positive.

Ayon sa alkalde, lumobo ang kaso ng COVID-19 dahil may kakulangan ang management ng Iloilo Fish Port Complex sa pagpapatupad ng mga protocol lalo na at may pumupunta dito na mga fisher folks mula sa mga major fish ports sa bansa kagaya ng Navotas City sa Metro Manila.

Sa ngayon, nagsasagawa ang lungsod ng Iloilo ng libreng swab test sa mga tao na may transaction sa Iloilo Fish Port Complex habang isinasailalim ito sa lockdown.