-- Advertisements --

Nagtala ng kabuoang 30 COVID-19 positive ang Angadanan, Isabela

CAUAYAN CITY- Umakyat na sa tatlumpo ang naitalang kaso sa COVID-19 matapos na makapagtala ng apat na panibagong kaso sa Angadanan, Isabela

Una ay si CV 3030, 32 anyos at residente ng Purok 5, barangay Fugaru.

Nakasalamuha niya si CV 2900.

Pangalawa ay si CV 3031, 18 anyos na lalaki at mula sa Brgy. Aniog, Angadanan, Isabela.

Pangatlo ay si CV 3032, 30 anyos na babae at taga Brgy. Centro 3.

Siya ay isang frontliner at nurse sa Rural Health Unit o RHU Angadanan.

Ang tatlo ay may exposure kay CV 2900.

Pang-apat ay si CV 3035, 29 anyos na lalaki at residente ng Brgy. Centro 3.

Isa rin siyang frontliner at nurse sa RHU Angadanan at may exposure kay CV 2843.

Pare-pareho namang asymptomatic ang mga bagong pasyente.

May kabuoang 30 ang nagpositibo sa virus sa Angadanan, 12 ang aktibong kaso, 17 ang nakarekober at isa ang nasawi.