-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirmaran ni Barangay Chairman Edgar Torio sa Barangay 20 dito sa lungsod ng Laoag na si IN-C923 na nagpositibo a covid-19 ay na-expose kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Torio, si IN-C923 ay empleado ng City Social Welfare and Developmet Officed ito sa lungsod.

Paliwanag nito na si IN-C923 at ang katrabaho niya na si IN-C922 na residente naman sa Barangay 26 dito rin sa lungsod ay kasama sa mga sumalubong kay Roque sa Laoag International Aiport.

Ganunpaman, sinigurado ng punong barangay na ang na-expose lamang kay IN-C923 ang kanyang asawa na at sumailalim na rin ito sa RT-PCR Test at hinihintay na lamang ang resulta.

Maalala na si Roque ay bumisita sa lalawigan noong Marso 12 kasama ni Testing Czar Vince Dizon para personal na makita ang vaccination program sa Laoag City General Hospital (LCGH).