-- Advertisements --
text scam

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa source o pinagmulan ng naglipanang smishing messages na nakalagay ang pangalan ng recipients.

Ayon kay National Privacy Commission (NPC) Deputy Commissioner Leandro Angelo Aguirre na lumalabas aniya sa kanilang inisyal na imbestigasyon na posibleng hindi sa data aggregators galing ang targeted smishing messages.

Dagdag pa ni Aguirre na ang sham texts ay ipinapadala gamit ang specific mobile numbers, nangangagulugan na ang scammers ay gumagamit ng phone to phone transmission para magpadala ng text messages.

Ang nasabing transmission ay kadalasang dumadaan sa regular network ng telco company subalit hindi sa data aggregators na karaniwan ay third-party organizations na tina-tap ng mga kompaniya para magpakalat ng kanilang advisories at marketing offers sa pamamagitan ng paggamit ng application to phone transmission.

Paliwanag pa ni Aguirre na ang smishing ay nangyayari kapag ang mga fraudsters ay nagpapadala ng text messages sa mobile phones at nililinlang ang mga recipients sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera o pagbibigay ng kanilang personal at sensitibong impormasyon sa nagpadala ng mensahe.

Ayon sa NPC ipagpapatuloy nila ang kanilang imbestigasyon sa posibleng source at pinagmulan ng targeted smishing messages gaya ginamit na name formats na tutugma sa pangalan ng data subjects na nakarehistro sa popular na payment applications, mobile wallets at messaging applications.