-- Advertisements --

Patuloy ang follow-up operations ng mga awtoridad para matukoy ang mga may-ari ng parcel na may laman na illegal na droga sa Ninoy Aquino International Airport.

Nadiskubre ng mga awtoridad ang tinatayang P2 milyong halaga ng kush at cannabis oil na nakatago sa loob ng 70 vape pens.

Natagpuan ang ilegal na droga matapos ang K-9 inspeksyon ng isang inabandunang inbound parcel noong Abril 26.

Ang mga bagay sa loob ng mga pakete mula sa USA at Canada ay idineklara na car seat covers, mga customized na coffee mug at mga libro. Ngunit sa pagbukas ng mga parcel, natuklasan ng mga awtoridad ang kush at cannabis oil na nakatago sa loob ng 70 vape pens.

Ayon sa awtoridad, ang mga parcel ay nasa disposisyon na ng PDEA laboratory service ng Quezon City at nagsasagawa na ang NAIA-IADITG ng imbestigasyon para malaman ang kinaroroonan ng mga consignee ng parcels.