-- Advertisements --

Pumalo na sa 6.6 million US citizens ang naghain ng kanilang unempleymonet benefits kasabay ng patuloy na paglaban ng Estados Unidos sa coronavirus pandemic.

Noong nakaraang linggo ay umabot na sa 3.307 milyon ang mga unang naghain ng unemployment claims.

Nalagpasan na nito ang halos 9 milyong katao na nawalan ng trabaho noong 2008-2010 dahil sa Great Recession.

Ipinag-utos sa buong Amerika ang “stay at home” policy para labanan ang pagkalat ng coronavirus disease. Dahil dito ay napilitan ang karamihan sa mga negosyo na magsara na nagbunsod para unti-unting bumagsak ang ekonomiya ng Estados Unidos.

“States continued to identify increases related to the services industries broadly, again led by accommodation and food services,” saad ng Labor Department.

“However, state comments indicated a wider impact across industries.”

Nakapagtala ang California ng pinakamaraming naghain ng unemployment claims. Mayroon itong 878,727 unemployment claims habang ang New York naman ay kabuuang total na 366,403 at pangatlo ang Pennsylvania na may 405,880.