CAGAYAN DE ORO CITY – Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 11332 o Act Providing Policies and Prescribing Procedures on Surveillance and Response to Notifiable Diseases, Epidemics and Health Events of Public Health Concern ang isang suspek na umano’y nagbebenta nga pekeng vaccination cards sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Sinabi ni City Mobile Force Company Commander Lt. Col. Alfredo Ortiz Jr sa Bombo Radyo Cagayan de Oro na nahuli nila ang suspek na si Margel Parata, mula Tangub City, Misamis Oriental, matapos matagumpay na inilunsad ang entrapment operation sa Gaston Park, Barangay 1 nitong lungsod kagabi.
Aniya, mabilis na pinosasan ang suspek matapos maibigay ang pekeng vaccination card sa kanilang ahente.
Batay sa suspek, nabebenta nila ang bawat “vax card” sa halagang P1,500.
Inamin nito na pinasok sila ang nasabing modus upang may ipapakain sa kanilang pamilya.
Aniya, siya rin ay hindi bakunado at hindi na niniwala sa bakuna kung kaya’t napilitang pekehin ang kanyang ipinapakitang “vaccination cards.”
Paalaala ng mga pulis sa publiko na huwag bumili sa pekeng “vax card” dahil kabilang din ang mga buyers na kanilang aarestuhin.