-- Advertisements --

Posibleng aabot sa mahigit $6 milyon ang halaga ng kakaibang trading card ni NBA star LeBron James.

Ang “Triple Logoman” card, na nag-iisang nailabas na card ng 18-time NBA All-Star ay may nakalagay na patches mula sa jerseys ni James habang ito ay naglaro sa Cleveland Cavaliers, Miami Heat at sa Los Angeles Lakers.

Inilabas ito ng Panini bilang bahagi ng 2020-21 “Flawless” collection.

Ito ay hinahanap ng mga collectors kabilang ang Canadian rapper na si Drake kung saan bumili pa ito ng 10 kaha ng nasabing basketball cards subalit bigo itong makita.

Sinabi naman ni Ken Golding ang executive chairman ng Goldin Auctions na ito ang nag-iisa sa buong mundo kaya ganun na lamang ang presyo nito.

Nadiskubre ang card matapos ang ilang taon na paghahanap mula sa collectors na isinagawa sa live social media event.

Maituturing ito bilang “Holy Grail” ng sports collectibles at maaaring ito ay malampasan ang trading card ni Honus Wagner T-206 baseball card na naibenta noong Agosto sa halagang $6.6-M.

Magsasara ng hanggang Hunyo 25 ang auction ng nasabing “Triple Logoman”.