BUTUAN CITY – Huli ang dating pulis sa ikinasang drug buybust operation dakong alas-2:00 ng hapon sa Purok 3, Barangay Togbongon, Surigao City, lalawigan ng Surigao del Norte.

Nakilala ang suspek na si Cabadelo Responte Sanchez, alyas Brasi dating pulis na naka-assign sa Dinagat Islands Police Provincial Office.

Ayon kay Police Regional Office Region 13 (PRO-13) Regional Director Brigadier General Joselito Esquivel Jr., bumili ang undercover policeman na nagsilbing poseur buyer sa suspek ng isang heat-sealed plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P1,180.

Kaagad na pinosasan si Sanchez nang tanggapin nito ang isang libong pisong marked money at nakuha mula sa kanyang posisyon isang libong pisong cash na may iba’t ibang denominasyon at isang kulay puti na cell phone.

Ayon sa records ng PRO-13 pumasok si Sanchez sa Philippine National Police noong 2010 ngunit na-terminate pagkalipas ng dalawang taon dahil sa kanyang pag-absent without leave (AWOL).

Kaagad na isinailalim sa surveillance ng mga anti-narcotics operatives ang suspek simula nang masama ito sa listahan na isa sa mga Regional Top Priority Target Personalities ng illegal drugs sa PRO-13.