-- Advertisements --

CEBU CITY – Tuloy ang pagsasampa ng kaso sa ilang pulis ng San Fernando Police Station laban sa isang car driver.

Una nang lumutang ang posibleng pakikipag-areglo sa mga nabanggaan nitong biktima.

Kinilala ang driver na si Rodel Bitualla, 37, nakatira sa Brgy. San Isidro, Talisay City, Cebu.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Staff Sergeant Paul Baclay, kinumpirma nito na patay ang isang motorista na si Alex Mamampang, 37, taga-Brgy. Tunghaan, Minglanilla, Cebu.

Samantala, sugatan ang mga indibidwal na kumakain lang ng puto nang nangyari ang insidente na sina si Corporal Mark Steve Ulan-Ulan, Jerry Morales, Adelian Camot at Evan Espina ng araruhin ng nasabing sasakyan.

Ayon kay Baclay, may kasama ang suspek ng nangyari ang aksidente at sinasabing nag-away ito at nagalaw ang manebela papuntang kabilang lane na nagresulta sa pag-araro ng nasabing mga biktima.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide, damage to property at multiple physical injury ang haharapin ng suspek na nakabilanggo ngayon sa San Fernando Police Station lock-up cell.