Jane de Leon
Jane de Leon

Masaya umano si Nadine Lustre para sa young actress na si Jane de Leon na siyang napiling gumanap sa film remake ng “Darna” ni Mars Ravelo.

Nabatid na isa ang pangalan ni Lustre sa mga umugong para maging Darna.

Pero ayon sa 25-year-old actress, hindi naman siya nag-audition para sa nasabing role kaya hindi big deal ang pagkakapili sa mas batang aktres.

“It’s nice na yung imahe ni Darna, ako ‘yung nakikita nila. But, I mean, in the very beginning po, like what I said, I was never expecting and I didn’t audition din naman po,” ani Lustre.

Sa panig naman ni Jane, una na nitong tiniyak na ibibigay ang kanyang “best” para sa ipinagkatiwalang papel sa kanya mula sa halos 300 celebrities na nag-audition.

Ang 20-anyos na si Jane ay nakilala sa pagganap bilang nakababatang kapatid ni Jericho Rosales sa teleseryeng “Halik,” at dating miyembro ng girl group na GirlTrends sa isang noontime show.