-- Advertisements --

Binalaan ni Nadine Lustre ang mga fans na ireport ang pekeng social media account gamit ang kaniyang larawan.

Maging ang kaniyang nobyo umano na si Christophe Bariou ay ginamit sa pekeng social media account na nag-eendorso umano ng produkto.

Sa social media account ng actress ay nag-share ito ng screenshot ng nasabing pekeng social media account.

Pinayuhan niya ang mga fans na ireport at iblock ang nasabing mga pekeng social media account.