Comic illustrator, Mico Suayan: A little trivia. I based my rendition of Wave to Nadine Lustre.

Isa umanong karangalan para sa aktres na si Nadine Lustre na maging inspirasyon sa nilikhang comic cover ng Pinay superhero.

Ito ay ang karakter na si Wave na siyang first ever Pinay superhero na sinasabing mapapabilang sa Marvel Cinematic Universe.

Ayon kay Lustre, nasorpresa siya sa naturang impormasyon na kanya pang nalaman sa kanyang mga kaibigan.

“I was shocked when I read that the first time. It was actually one of my friends who showed it to me. It’s really flattering and it’s such an honor kasi we all know Wave is the very first Filipina character in (Marvel) so it’s an honor and I’m really grateful,” saad ng 25-year-old actress.

Kabilang sa mga lumutang na pangalan na gaganap sa naturang Pinay superhero ay sina Angel Locsin at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

-- Advertisement --