-- Advertisements --
IMG202105030730402

Patuloy pa rin ang hiling na dasal ng Hospicio de San Jose matapos umakyat sa 103 ang bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa naturang bahay ampunan.

Noong Linggo lang nang makapagtala ng 80 COVID-19 cases doon.

Ayon kay Sister Maria Socorro Pilar “Corrie” Evidente, administrator ng Hospicio de San Jose halos kalahati raw sa naturang bilang ng mga dinapuan ay mga bata.

Sa ngayon, nananatiling isolated sa mga designated dormitories ang 49 na mga batang dinapuan ng sakit na nakaramdam ng respiratory illness.

Pero ayon kay sister Corrie, naka-recover na ang mga bata at sa katanuyaan ay may video pa nga raw ang mga itong nagkakantahan.

Sa ngayon may dalawa raw na elderly at dalawang personnel ng Catholic social welfare organization na mayroong comorbidities ang dinala sa ospital habang nasa 21 elderly naman ang mayroong “on and off” na sintomas ng COVID-19.

Nasa 262 adults naman ang fully vaccinated na at 20 iba pa ang babakunahan.

Kasabay nito, nagpasalamant din si Sister Corrie sa lahat ng mga nagbigay ng tulong para sa mga nasa loob ng bahay-ampunan.