Inamin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na supplier ng armas at financer ng New People’s Army (NPA) ang naarestong secretary general ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Esterlita Suaybaguio Espinosa.

Sa panayam ng Bombo Radto sinabi ni Joint Task Force NCR commander B/Gen. Alex Luna na malaki ang papel na ginagampanan ni Espinosa dahil bukod sa pagiging supplier at minamando rin nito ang manpower, logistics at pondo ng mga rebelde.

Nagsisilbi rin umano itong recruiter at taga-proseso sa delivery ng mga armas at gamit sa giyera ng NPA.

Para kay Luna, itinuturing na top CPP-NPA leader si Espinosa kaya malaking kawalan din umano ito sa grupo.

Ayon naman Philippine National Police (PNP) chief police Gen. Oscar Albayalde na marami pang susunod na CPP NPA officils ang maaresto ng mga otoridad sa mga darating na araw.