Nagsasagawa ang North Korea ng live-fire drills sa kanlurang baybayin nito, ito na ang ikatlong magkakasunod na araw ng military exercises nito malapit sa pinagtatalunang maritime border sa Timog.
Walang naman umanong mga artillery shell ng North Korea ang nahulog sa timog ng Northern Limit Line (NLL), ang de-facto maritime border sa Yellow Sea, at wala ring naiulat na casualty batay sa ulat ng Yonhap agency.
Samantala, binigyan naman ng babala ang mga residente sa South Korean border island ng Yeonpyeong na manatili sa loob ngayong Linggo, yan ang binigyang diin ng mga lokal na opisyal sa AFP, dahil na rin umano sa mga drills at anumang posibleng South Korean countermeasures.
Matatandaan rin na noong Biyernes at Sabado, nagpaputok ng artillery rounds ang North Korea sa parehong lugar, malapit sa Yeonpyeong at Baengnyeong, dalawang isla na kakaunti ang populasyon na nasa timog lamang ng defacto maritime border sa pagitan ng dalawang panig.
Noong Biyernes, nauna nang iniulat na ang mga residente ng dalawang isla ay inutusang lumikas sa mga shelter.