-- Advertisements --
north korea

Nagpaputok ng ballistic missle ang North Korea kasabay ng pagkikita ni North Korean LEader Kim Jong Un at Russian President Vladimir Putin sa Russia.

Isang ballistic missle ang inilunsad ng North Korea sa tubig sa silangang baybayin nito.

Ayon sa South Korea’s Joint Chiefs of Staff, kasabay nito ang inaabangang pagpupulong sa pagitan ni Kim Jong Un at ng kanyang Russian counterpart na si Vladimir Putin na nakatakdang maganap sa Russia’s Far East.

Dumating ang North Korean leader sa Russia, sakay ng kanyang heavily-armored private train na sinamahan ng party leaders, kabilang ang isang top military official na namamahala sa mga ballistic missile program ng bansa.