-- Advertisements --
Pinagbawalan ng Thailand na makapasok sa kanilang bansa ang Myanmar model na unang nagtago sa kanilang bansa.
Ayon sa Thailand immigration department na walang anumang visa para makapasok sa kanilang bansa ang 23-anyos model na si Han Lay.
Dahil dito ay inaayos na nila ang pagbabalik sa kaniya sa Myanmar.
Nasa listahan kasi ng interpol ito kaya agad na pinigil siya paliparan.
Tumakas kasi ang nabanggit na modelo matapos na batikusin nito ang military ng Myanmar dahil sa ginawa nilang kudeta.
Isa si Han Lay sa mga contestant ng Miss Grand International na ginanap sa Thailand kung saan ibinunyag nito sa social media ang mga nagaganap na karahasan na ginagawa ng mga military sa Myanmar.