-- Advertisements --

Makikipag-ugnayan ang Philippine National Police sa mga foreign law enforcement agencies upang matunton ang grupong hinihinalang nakaimpluwensya sa mga menor de edad na sangkot sa madugong pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., paiigtingin din ng PNP ang cyber patrol at imbestigasyon upang matukoy ang lawak ng operasyon ng grupo, ang mga nasa likod nito, at kung may mga Pilipinong kasabwat o posibleng target ng naturang grupo.

Ito ay matapos ihayag ni Senadora Risa Hontiveros na ang grupong “764,” na umano’y isang online violent extremist group na gumagamit ng mga gaming platform upang impluwensyahan ang mga menor de edad, ay posibleng may kinalaman sa insidente.

Noong Hunyo 22, tatlong estudyante ang nasawi at dalawampu pa ang nasugatan sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Nauna nang sinabi ng PNP na umano’y naimpluwensyahan ang mga suspek ng larong GoreBox, habang nangako naman ang developer nitong F2 Games na makikipagtulungan sa imbestigasyon.