Binatikos ng Department of National Defense (DND) ang pahayag ng Chinese Embassy na tumatangging kilalanin ang 2016 Arbitral Award, at sinabing ipinapakita nito ang tunay na layunin ng China sa pakikitungo sa Pilipinas.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., malinaw na ipinakikita ng naging tugon ng embahada ang kawalan ng sinseridad ng China.
Nauna nang iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pinal at may bisa ang arbitral ruling, na kumikilala sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea at nagpapawalang-bisa sa nine-dash line ng China.
Samantala, nauna na ring nagpataw ang China ng sanctions laban kay Teodoro at sa kanyang pamilya, kabilang ang pagbabawal sa kanilang makapasok sa mainland China, Hong Kong, at Macau.
Sa Hulyo 12 naman, nakatakdang ipagdiwang ng Pilipinas ang ika-10 anibersaryo ng arbitral ruling, na nananatiling pinakamalakas na legal na batayan ng bansa sa paggiit ng karapatan nito sa West Philippine Sea.
















