-- Advertisements --

Ituturing ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na isang Game 7 ang laban nila kontra sa New Zealand ngayong araw sa pagsisimula ng 2027 FIBA World Cup.

Sinabi nito na target nilang makakuha ng kahit na isang panalo sa dalawang laban nila sa New Zealand at Australia ng third windo ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Magsisimula ang laban nila kontra New Zealand ng alas-3 ng hapon ngayong araw ng Biyerne , Hulyo 3 habang ang Australia ay sa Hulyo 6.

Mayroon dalawang panalo at dalawang talo ang Gilas Pilipinas noong second round sa Grou A.

Dagdag pa ni Cone na mahalaga na makakuha sila panalo dahil kapag wala silang maipanalo ay napakanipis ang tsansa nila na makaabanse sa susunod na round.