LA UNION – Kauna-unang dumating sa lalawigan ng La Union ang delegasyon ng mga surfer-athletes ng bansang Myanmar para sa isasagawang surfing competition na bahagi ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Ito ang kinumpirma ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) La Union sa pamamagitan ni Alvin Cruz.
Sinabi ni Cruz na dumating nitong Miyerkules ng hapon ang Myanmar delegates at agad silang inimbitahan ng provincial board bilang pagpapakita ng kagandahang loob sa mga ito.
Nananatili ngayon ang mga atleta sa isang resort hotel sa bayan ng San Juan, na tinaguriang “Surfing Capital of the North.”
Aniya, inaasahang darating ang mga iba pang delegado ng mga bansang kalahok sa naturang biennial event, sa susunod na linggo mula Nobyembre 25 hanggang 29.
Habang ang pormal na surfing competition ay magsisimula sa Disyembre 2 hanggang 8.