-- Advertisements --

Hinikayat ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga kumpanya na magtipid sa paggamit ng mga tubig.

Kasunod ito sa nararanasang pagbawas ng tubig sa Angat Dam.

Ayon kay MWSS Deputy Administrator, Jojo Dorado na dapat ay magkaroon ng bahagyang restrictions sa mga malakas magkunsomo ng tubig.

Ilan sa mga tinukoy nito ay ang mga negosyo gaya ng car wash, swimming pool, golf course at iba pa.