-- Advertisements --

Inihayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na magbubukas sila ng bagong water treatment plant upang matugunan ang water crisis sa bansa.

Ito rin ay para sa nagbabantang El Nino phenomenon.

Sa kasalukuyan kasi, mayroong kakulangan sa tubig na nararanasan partikular na sa Metro Manila at Cavite.

Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System Angat and Ipo Operations Management Division Head Engineer Patrick Dizon, nakatakda silang magbukas ng water treatment plant sa Marikina, Cavite, at Rizal.

Sa kanyang pahayag, sinabi niya na kabilang dito ang Cavite Modular Water Treatment Plant at Marikina Water Treatment Plant.

Dagdag dito, may isa pa aniyang water treatment plant na ipinapatayo sa Muntinlupa.

Una nang umapela si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na magtipid sa tubig, kasunod ng babala ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na maaaring magkaroon ng problema sa suplay ng tubig dahil sa pagbaba ng tubig sa iba’t ibang mga dams sa ating bansa.