-- Advertisements --
Nakatakdang imbestigahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System – Regulatory Office (MWSS RO) ang reklamo ng mga consumers ng Maynilad Water Services Inc. dahil sa pagkakaroon ng kulay kalawang na tubig na lumalabas sa kanilang gripo.
Sa pahayag ng nasabing opisina ay nakipag-ugnayan sila sa Maynilad para matukoy ang dahilan ng problema.
Sinusuplayan ng Maynilad ang mga timog na bahagi ng Metro Manila at katabing probinsiya.
Pinayuhan ng MWSS ang mga customers na hayaan munang dumaloy ang tubig na may kulay hanggang ito ay tuluyang mawala.