-- Advertisements --
MWSS water

Hinikayat ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga business owners na pangunahing kumukonsumo ng tubig na limitahan ang paggamit ng tubig.

Ito ang panawagan ng nasabing kagawaran matapos sa gitna ng nararanasang kakulangan sa suplay ng tubig ngayon sa bansa dahil sa matinding init ng panahon.

Ayon kay MWSS Deputy Administrator Jojo Dorado, dapat na i-restrict ang paggamit ng mga car wash, swimming pool, at golf courses dahil sa malakas na pagkonsumo nito ng tubig.

Ngunit sagot naman ng ilang business owners na magiging mahirap ito sa kanilang panig dahil tubig anila ang kanilang pangunahing source sa anilang mga negosyo.

Kung maaalala, una nang iniulat ng mga kinauukulan ang muling pagbaba ng lebel ng apat na dam sa Luzon kabilang na ang Angat dam sa Bulacan, La Mesa dam sa Quezon City, San Roque dam sa Cordillera, at Caliraya dam sa Laguna na epekto pa rin ng sobrang init na panahon.