-- Advertisements --
Plano ng pamunuan ng Mutya ng Pilipinas na isali sa kumpetisyon ang mga transgender.
Sinabi ni Cory Quirino ang namumuno ng Mutya ng Pilipinas pageant, na mula pa noong 2011 ay yan ang plano nito.
Isa lamang aniya ito sa mga pagbabago na kanilang ipapatupad ng mahigit na 50 taon na pageant ng bansa.
Hindi naman nito binanggit kung kailan ang nasabing pagpapatupad ng pagsali ng mga transgender.
Ilan sa mga pagbabago na kanilang ipapatupad sa pagbabalik ng face-to-face pageant matapos ang mahigit dalawang taon ay ang pagtanggal na ng height limit.
Kabilang na rin dito ay papayagan ng sumali ang mga nasa edad 28.