-- Advertisements --

Nakatakdang buksan ngayong buwan ang museum na inilaan para kay NBA superstar LeBron James.

Makikita ito sa Akron, Ohio ang lugar kung saan isinilang at lumaki ang Los Angeles Lakers star.

Makikita sa ‘Home Court’ na isang self-guided tour ang buhay at mga tagumpay ni James sa NBA, Olympics at iba pa.

Sa unahan ng museum ay apartment kung saan lumaki si James at dadalhin ang mga bisita sa 2003 Draft ganun din ang mga championship games niya sa Cleveland Cavaliers, Miami Heat, Lakers at ganun din ang panalo niya ng gold-medal Olympic.