-- Advertisements --

Nagwagi sa unang round ng Australian Open tennis si Andy Murray laban kay Matteo Berrettini.

Umabot sa limang set ang laro na nagtagal ng halos limang oras nakuha ng 35-anyos na Briton na si Murray ang 6-3, 6-3, 4-6, 6-7 (7/9), 7-6 (10/6).

Natigil pa ng halos tatlong oras ang mga laro sa Australian Open dahil sa matinding tirik ng araw.

Susunod nito ng makakaharap ang sinumang manalo sa pagitan nina Fabio Fognini o Thanasi Kokkinakis para sa round two.